Pa-alaala para sa mga Filipino laban sa Dengue Fever

Posted on Wednesday, 2 July 2014 

Ang National Environment Agency (NEA) ng Singapore ay nagbigay ng isang ulat sa patuloy na pagdami ng kaso ng dengue fever sa ilang lugar ng Singapore. Ayun sa NEA, 675 na kaso ng dengue fever and naitala sa nakalipas na linggo. Siyam na libong kaso ng dengue fever and naitala sa taong kasalukuyan sa buong Singapore.

Hinihikayat ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng mga Filipino sa Singapore na tumulong sa kampanya laban sa dengue fever sa pamamagitan ng paggamit ng mga aprobadong mosquito repellent lalo na kung nasa labas ng bahay sa mga lugar na naibalitang marami ang kaso ng dengue at pagpigil ng pagkalat ng Aedes na lamok na siyang nagdadala ng sakit na dengue at sundin ang “5-step Mozzie Wipeout”, na pinapayo ng NEA.

Ang 5-step Mozzie Wipeout:

  1. Palitan ang tubig sa flower vases at bowls isang beses sa bawat dalawang araw.
  2. Alisin ang tubig mula sa bulaklak palayok plates isang beses sa bawat dalawang araw.
  3. Talikwasin (i-turn over) ang mga imbakan ng tubig.
  4. Takpan ang dulo ng mga kawayan na ginagamit na pangsampay ng labada.
  5. Linisin ang mga alulod para hindi matigil ang daloy ng tubig tuwing umuulan at lagyan ng BTI insecticide isang beses sa bawat buwan.

df_e

0 Comments

Leave a reply

CONTACT US

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Sending

©2018 Filipinos Abroad. All rights reserved.

or

Log in with your credentials

or    

Forgot your details?

or

Create Account