Transcript of Sen. Grace Poe’s dzMM interview


Press Release
July 14, 2014



Transcript of Sen. Grace Poe’s dzMM interview

Hosted by Ted Failon


Ted Failon: Ma’am, meron daw pong hearing ang Senate finance committee on, tama po ba, July 18? Kayo po ba ay miyembro ng committee na ito?

Sen. Grace Poe: Finance committee, ako po ay miyembro pero hindi po ako inabisuhan ni Sen. Chiz kung meron pong hearing ng 18, ukol ba ito sa DAP? Ang alam ko pong hearing sa DAP ay 21, pero biniberipika ko pa.

Failon: Regardless po of the date, pero ito daw po ay sa usapin ng DAP. Matanong ko lang po kayo, bago po ang lahat, kayo po ba ay recipient ng any DAP fund, ma’am?

Poe: Fortunately o unfortunately, hindi pa natin masasabi, hindi po. Sapagkat yung mga bago naman na nag-umpisa last year 2013, hindi naman po nagkaroon ng ganyang klaseng funding.

Failon: Ito pong mga bagong halal, itong batch ng 2013, ay hindi po nakatikim o naambunan ng DAP, ma’am, sa inyo pong pagkakaalam?

Poe: Opo wala po, sa aming tanggapan wala pong mga ganyan.

Failon: Ma’am, ano po ang inyong take doon sa panawagan ng iba na kung magkakaroon po ng hearing dito ang Senado, na iyon daw pong nakatanggap ng DAP, ay kung maari lang po na mag-inhibit sa hearing po ma’am, what’s your take on that?

Poe: Ako kasi, madami kasing nakatanggap niyan, so maaari namang kung sinuman ang nakatanggap ay pwede pa rin namang magtanong ng mga ibang bagay. Ang mangyayari, kasi sa totoo lang yung mga nakatanggap, hindi naman natin sinasabing sila ay meron nang pagkakasala, maaari naman kasing yung sa kanila ay ginastos nila ng tama, at naniniwala akong meron naman sigurong gumawa ng kabutihan, so maaaring dapat nandun din dapat sila sa hearing.

Kung tatanggalin po sila ay baka kami-kami na lang din ang matira doon. Sa totoo lang, kami namang mga bago, ni hindi ko nga alam kung ano yung DAP noon, so mas ok na din yung talagang nakakaalam magtanong din.

Failon: I see, opo. Well, yun nga po, meron din po namang nagsasabi na, actually po ang kanilang alam ay iyan daw ay bahagi ng kanilang PDAF, pero sa bandang huli, talagang tutungo tayo doon sa accounting, kung saan nga po ginugol, papaano ginasta ang mga pondong ito, pero kung kayo po ay makakatanggap ma’am ng imbitasyon, you are going to attend the hearing?

Poe: Opo, basta naman po hearing kasi pagkakataon ko rin po iyon na matuto. Pagdating nga sa hearing, usually doon pumapasok ang mga dapat tanungin. Ako din mismo curious, gusto ko malaman kung paano talaga nagamit ang pondong iyon. Halos P130 billion daw.

Failon: Ma’am, bilang neophyte Senator po madam, ano po bang naging handicap ninyo nung dumaan sa inyong opisina ang proposed national budget? Kasi po lagi pong ganyan ang problema ng neophyte, yung pag dumaan, ang kapal-kapal po ng librong iyan, kung i-itemize mo iyan, nakakahilo pong i-review iyan. Talagang kung hindi ka bihasa, hindi mo mahahanap yung mga singit-singit, yung mga ilang nakatago na pondo diyan. Kayo po ma’am, nung unang dumaan sa inyo ang 2014 budget, paano nyo po hinimay?

Poe: Aba, kaya nga doon po pumapasok ang bawat adbokasiya ng senador. Kaya nga po, sinasabi ko naman yung mga eksperto talaga sa finance, sila talaga yung active doon sa kumite, si Senator Chiz. Pero pagdating sa tanggapan ko, ang una ko kasing tiningnan ay yung budget ng DepEd para sa feeding program nila sa malnourished kids, kasi diba ilang beses din iyan nag-hearing bago ma-approve yung budget? So doon sa mga hearing, tinatanong ko palagi si Sec. Armin, “meron kang pondo ha para diyan? Nahiling mo ang pondo na iyan.”

At nakita ko namang lumabas diyan, pero yung aaminin kong mga singit-singit hindi ko po alam, sapagkat hindi naman po photographic ang memory ng mga senador na masasabi mong ito ang original at iyon yung ano. So kailangan mong balikan lahat iyan, at kung hindi mo talaga hinahanap ang isang specific na bagay, napakahirap makita sa ganun kakapal na libro.

Failon: Oo nga po, at tsaka you really need to have an expert in budgeting para mo mapagtanto na may mga isiningit diyan na hindi naman pala pinag-usapan. Anyway, madam Grace personally po, ano po ang inyong take dito po sa DAP na ito?

Poe: Katulad din ng ating mga kababayan, gusto ko ring malaman kung saan napunta ang pondo na iyon, sabi nga ni Senator Trillanes na dapat ma-stress yung kabutihan kung meron mang kabutihan tungkol dito sa DAP. Ngayon, sinabi din naman ng Malacanang ata na 92% of the DAP was accounted for, so sabihin na nating 92% of P130 billion, eh mas malaki pa rin po iyon kaysa doon sa PDAF scam. Sabi ko nga nung simula pa lang, dapat nataranta ang lahat na i-account yung DAP. Dapat nung natanggap pa lamang iyan ay pinag-aralan at pinag-ingatan na kung saan nagastos. Kung sa foot bridge iyan or kung talagang classroom iyan, siguro naman hindi mahirap tawagan ang leader sa probinsya para sabihin, “O, padalhan niyo kami ng litrato at i-attach doon sa accounting.” Yun nga e, ang pinakamadali ay ang katotohanan.

Failon: Sa hearing na ito, kung kayo ay aattend dito na wala kayong hawak na advance information, mangangapa ho kayo. Hindi po ba tama yata na ngayon pa lang, kung ano man po ang dokumentong hinihingi ng finance committee, gaya na lang po ng SARO, lahat ng SARO na ine-release ng DMB, ibigay na po sa Senate. Hindi kaya maganda na ngayon pa lang ay humingi na kayo ng mga kopya ng mga dokumentong ito para mapag-aralan po ninyo at nang pagdating ng hearing, you’ll be intelligent enough to ask pertinent questions.

Poe: Sa tingin ko nga po lalong lalo na committee yan ni Sen. Chiz at mayroon nang nagpahiwatig na senador na yung sa kanila ay napunta sa tama, maaaring sa tanggapan na nila kami dumiretso para hingin iyan tapos kapag dumating na doon si Sec. Abad, para constructive naman, edi tatanungin natin kung ito ba ay tugma doon sa ine-release nila. Yun nga po, kaya nga sinasabi ko din na yung mga baguhan, hindi lang talaga eksperto diyan sa katotohanan tungkol sa DAP. Pero kung meron man kaming maaaring iambag sa hearing na iyan ay yun ay dahil wala kaming dapat depensahan so mas patas siguro ang aming pagtingin diyan. Yun po, gusto ko din marinig kung ano yung sasabihin ng ating Pangulo. Gaya nga ng sinabi ko, ako’y tiwala pa rin sa kanyang pagkatao at kung talagang intensyon ay talagang pagbutihin ang ating ekonomiya, sabi naman ng Supreme Court iyan ay maaari naman nilang patunayan.

Failon: Well, yun nga po ano. Wala po tayong question sa pagkatao po ng ating Pangulo pero hindi naman siguro ikasasama ng loob ng iba kung ang inyong kwestiyon nga ay yung panig ng executive dito sa pag-identify kung saan napunta ang malalaking pondong ito. Kayo ho ba ma’am, bilang member ng lehislatura, do you feel na parang inalis sa inyo ang poder para ho tukuyin kung saan dapat mapunta ang mga perang ito?

Poe: …Pero yung sa Supreme Court kasi, yung power of the purse, yun yung sa atin sa legislation. Ayaw mong mag-intermingle ng funds kasi nga po yung three branches of government dapat independent talaga iyan. Kung magkakaroon ng impluwensya ang isa doon sa isang branch of government, natural ay mawawala ang balance kaya yun siguro ang ibig sabihin ng ating Supreme Court na hindi talaga pwedeng gagamit ka ng pondo sa isang departamento na ililipat mo sa kabila unless it is within your branch of government, so at least iyan nag ing malinaw na sa ngayon sapagkat diba sinabi nga rin ni Governor Salceda noong panahon ni President Erap, mayroong ganoon, nung panahon ni Ginang Arroyo mayroon ding parang economic stimulus fund. So ngayon, nalalaman natin lahat iyan sa tamang landas ayon sa Supreme Court.

Failon: Ma’am kung kayo po ay aattend sa hearing, baka ho pwede ninyo maitanong ang tanong na ito. Kung mamarapatin po ninyo ma’am, because recently ho hindi pumapayag ng interview itong si Sec. Butch Abad and we understand. Baka ho maaari ninyo siyang tanungin dito ho sa desisyon kung saan ba i-aassign ang mga DAP Funds na ito. Example lang ho ma’am, are you aware na yung Orthopedic Center natin ay ibinid-out na ho ito para ho iprivatize.

Poe: Napanood ko nga iyong episode mo, nakakalungkot talaga dahil conflicting statements. Hindi ko po alam.

Failon: That is, orthopedic center, ngayon po itong PCMC, itong Philippine Children Medical Center.

Poe: Opo, ayun pala po.

Failon: Oo. Dito po ngayon sa Quezon Avenue, kanto po ng Agham. Ang utang po ng PCMC sa NHA, P1.2 billion. Doon po sa orthopedic, kailangan daw po ng almost P6 billion to modernize it kaya po pina-privatize. Ang hindi po masagot sa akin ng mga taong gobyerno ay sa pagkalaki-laki ng DAP fund na ito, na hindi ko po maintindihan, sino ba ang nag-dedesisyon kung sinong tatanggap ng magkano. Dito po sa usapin ng serbisyo medikal na napaka-importante–P1.2. billion dito po sa PCMC, almost P6 billion sa Orthopedic Center, bakit hindi nila malagyan ng pera ‘yun? Pwede niyo po itananong kina Sec. Abad ‘yun.

Poe: Opo. Ako rin po ay interesado.

Failon: ‘Di ba ma’am? Alam niyo po iyon ma’am, gusto man po nating unawain, ano? Sabihin na natin na gusto nating sakyan, iyong kanila pong good faith na depensa dito, na ito naman po ay ikabubuti ng ating bayan. Ang hindi ko po talaga maintindihan ay bakit sa usaping medikal, hindi ba, na maaari mong sabihin na P1.2 billion lang ito kumpara doon sa pagkalaki-laki nilang inilaan kung saan-saan. Bakit hindi nila mapondohan ito? Iyan po ma’am hanggang sa pagtulog ko ma’am, iyan po ang hinahanapan ko ng paliwanag.

Poe: Hayaan mo po, tatanungin natin, lalong lalo na direkto sana na naka-kabenepisyo yan sa ating mga kababayan. Iyon nga ang mahirap kapag binibigyan ng discretion, ang mga hindi naman dapat eksperto na magbigay o maambunan ng ganyang uri ng pondo, napupunta at nasasayang sa kung anu-anong proyekto na hindi naman talaga nabibiyayaan ang ating mga kababayan na masasabi nga nating katulad nga nitong orthopedic at national children’s hospital. Opo tanungin po natin ‘yan.

Failon: Opo, yes ma’am. Kasi po kayo lang naman po ang senador na napapaki-usapan namin ng ganyan at talagang tinatanong po ninyo sa hearing. On record ‘yan madam senator, kaya kami nga po ay nagagalak na kayo po ay bukas sa mga ganito pong uri ng mga panukala madam senator. Mabuti po nga na kayo po ay hindi nagbakasyon sa abroad, ngayong mga panahon na ito dahil break niyo po ma’am.

Poe: Tapos na kasi yung mga bakasyon ng mga bata at may pasok na po sila. Pero nanggaling din po ako doon sapagkat Independence Day pero isang linggo lang. Pero salamat po sa pagpuna. Alam niyo po, iyon nga kapag wala masyadong kinakatakutan sapagkat wala namang tinatago, hindi naman natin sinasabi na super-malakas talaga yung loob ko, iyon lang talaga, gusto ko din talagang matuto dahil nga noong una akong pumasok last year, tinanong ko pa nga si Sen. Chiz last year, ano bang ibig sabihin ng SARO, noong umpisa ha.

Failon: Ang SARO po ma’am ay pinsang buo ng NCA.

Poe: Ng alin?

Failon: Ng NCA. Hindi po magkakaroon ng NCA, ang NCA po ay notice of cash allocation. So SARO po muna, tapos NCA na po yung final. Talaga pong naiintindihan ko po ‘no na ultimo ibig sabihin ng SARO, noong una hindi niyo po alam pero ngayon po yata obligado ang DBM na kayo po ay pa-ulanan po ng lahat ng SARO na ini-issue po nito at may kaugnayan sa DAP. Madam Senator, we’ll be keeping in touch, just verify po kung ano pong petsa ang hearing na ito ma’am.

Poe: Opo. Magandang umaga po sa mga nakikinig. Thank you Manong Ted.

Failon: Thank you.


0 Comments

Leave a reply

CONTACT US

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Sending

©2018 Filipinos Abroad. All rights reserved.

or

Log in with your credentials

or    

Forgot your details?

or

Create Account